“Ang edukasyon ay hindi paghahanda para sa buhay, ang edukasyon ay buhay mismo.” - John Dewey
Para sa mga estudyanteng Lumad, ang kahalagahan ng edukasyon ay nag-uugat sa kanilang kasaysayan kung saan base sa kwento ng kanilang ninuno,
ang isang rolyo ng tabako at sardinas ay kalakip ng ikta-iktaryang lupain.
Ang kakulangan sa serbisyong natatanggap ay dahil na rin sa kalayuan at hindi maayos na daan papunta ng lungsod kung kaya’t walang paaralang naitayo sa kanilang komunidad.
Dagdag pa dito ang pagpunta ng mga taga-lungsod sa bundok para mamimigay ng juice at sabon na hindi pamilyar sa mga Lumad, pati na rin ang paggamit ng wika na dayuhan sa kanila.
Sa kadahilanang hindi pamilyar ang mga katutubo sa lenggwaheng gamit, ito'y kalamangan sa kabila kung kaya't pinapapirma nila ang mga matatanda sa mga papel na dala kapalit ng lupa at kakahoyan na ngayo’y miniminahan at ginagawan ng illegal na pagtotroso.
“...Kaya malaki ang naitulong mga Lumad schools upang mas lumawak ang kaalaman ng mga katutubong Lumad. Unti-unti silang natutong magbasa at magsulat. Edukasyon din ang nagbigay sa kanila ng lakas at naging sandata upang proteksyonan ang lupaing ninuno.” ayon kay Inday.
Ang nakakahiligang asignatura ng mga estudyanteng Lumad ay ang siyensya dahil ito ay konektado sa kapaligiran at sa kalikasan. Naiuugnay ng mga estudyanteng Lumad ang asignaturang ito sa organikong pagsasaka, pestisidyo, at medisina na iniispray sa sagingan o epekto ng medisina na galing sa malalaking plantasyon patungo sa ilog. Dahil hangarin ng mga Lumad schools na palawakin ang kaalaman ng katutubong Lumad, naibabahagi rin ng mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan sa kanilang mga pamilya.
Epektibong natututo ang mga bata sa tulong ng kaguruan sa pamamagitan ng pagpapairal ng wikang tumutugon at naiintindihan ng mga estudyante’t guro gaya ng wikang Cebuano Ang iba pang paraan sa mabilis na pagkatuto ng mga estudyanteng Lumad ay pinagkukunan nilang basehan ang mga nasa paligid at ang araw-araw nilang pakikisalamuha.
“Hindi pyudal ang relasyon sa pagitan ng guro at estudyante [sapagkat] buong pusong bukas ang mga kaguruan sa mga puna at suhestyon ng mga estudyante. Bale, [parehas] natuto ang mga kabataan gayundin ang mga guro.” ani Angel.
Photo Credit: https://www.scoutmag.ph/55488/zineskwela-2020-lumad-fundraiser/
Comments