top of page
  • Sirena

Sino Ba Ang Mga Lumad?

Sa nalalapit na International Day of the World's Indigenous Peoples sa Agosto 9, kilalanin natin ang ating mga kapatid na Lumad.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang Lumad ay isang salitang Bisaya na nangangahulugang katutubo. Kinilala ang terminong ito magmula noong nilagdaan ni dating Pangulong Cory Aquino ang Republic Act 6734 bilang pagbubukod sa kanila sa Bangsamoro.

Sa kasalukuyan, binubuo ng mga taga-Mindanao na Lumad ang karamihan ng katutubo sa Pilipinas.

Noong 1997, naipasa ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) na naglalayong kilalanin, protektahan, at isulong ang karapatan ng mga katutubo.

Sa kabila nito, umuusbong pa rin ang mga kaso ng paglabag sa kanilang karapatan. Napagkakaitan pa rin sila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at napapasailalim sa diskriminasyon ng mga tao.

Dahil dito, patuloy ang pagsusumikap ng iba’t ibang grupo upang sila ay matulungan at kapit-bisig na tumindig sa kasama nila, kabilang na rito ang Project Lumad. Sa gaano man kaliit na paraan, sana ay makapag-abot tayo ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng suporta.

Sanggunian:

Infographic: Who are the lumad? RAPPLER. (2017, August 9). Retrieved from https://www.rappler.com/moveph/178181-infographic-lumad-indigenous-peoples/

Ulindang, F. (2015, June 2). Lumad in Mindanao. National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-cultural-heritagesch/historical-research/lumad-in-mindanao/


14 views0 comments

Related Posts

See All

This or That: Project Lumad Milestones Edition 👾

In celebration of the project and the teams’ accomplishments in promoting the Lumad community, we invite you to play the game of… We’d like to give a big thanks to the advocates, audiences, and partne

stand with us
bottom of page