Sa gitna ng ating kinakaharap ngayon, hindi natatapos ang labanng mga kapatid nating Lumad. Samahan natin ang kanilangpaglalakbay sa pamamagitan ng paghanga sa kanilang mgalikhang sining.
Ang mga sumusunod na likhang sining ay nagpapakita ng pusong mga mag-aaral na Lumad para sa kanilang lupang ninuno.Nakuha ang mga larawan at deskripsiyon nito sa Facebook pageng Save Our Schools Network at binibigyang kredito para samga ito sina G. Jose Monfred Sy, Chricelyn, at ang mgaestudyanteng Lumad na may likha ng mga sining.
Paunang sining, puno ng tapang at prinsipyo sa kanilangipinaglalaban. Hindi nagpapasindak, iyan ang katangian ng mgaLumad. Unti-unti nating silipin ang laman ng isip ng mga Lumad.
Palabirong kuwento ni Ina*: “No’ng nagsasabi na may BakwitSchool dito sa Manila, nag-boluntir ako na pumunta rito. ‘Yong kusang loob na pumunta rito. Tapos sabi ko na, ano, parang magiging mga reporter kami. Yes! Because? Pero because, Kris Aquino po! Dahil kami na ‘yong maghahatid ng balita, totoongbalita dito sa lungsod. Yes! Di tayo mag-fefake news.”
Kuwento ni Dodong*, “Ang kahalagahan ay, ano, ‘yong story ng aming mga ninuno. Noon naging mangmang sila. Wala silangnapag-aralan. Binigyan lang sila ng dalawang dahon ng tabako, okay na sa kanila na ibigay ‘yong isang ektar ng lupa. Na-agitate ako dahil gano’n ‘yong mga sinasabi nila sa kanila, wala dawsilang pinag-aralan.”
Kuwento ni Bernard*, "‘Yong sariling buhay, sarili, saedukasyon, sa hanapbuhay, sa lupang ninuno, at sa pagigingkarapatan ng tao. Dahil ‘yon naman ‘yongpinakapangangailangan ng mga tao. Hindi naman talaga kayamanan ‘yong kailangan. Kailangan ng mga tao dito saPilipinas. Kaya gamit namin ‘yong ‘yong tsinelas, para maintindihan ng bawat sambayanan ng mga tao rito sa Pilipinas, at sa maging buong mundo na ‘yong paglalakbay namin ay mahalaga, dahil ito ay totoo eh. Karanasan at kwento kung kailan o saan, kailangan maintindihan ng mga tao. At unang-una, dahil sa sobrang hirap ng dinanas ng mga Lumad, o mgatao na nasa Mindanao, sa kahit saang lugar ay natuto siyanglumakbay, natuto siyang lumakad, natuto siyang tumayo, at lisanin ‘yong pinakamamahal niyang lugar para protektahan‘to.”
Kuwento ni Trisha*, "Mas maganda ‘tong lumad school kasi dito namin natutunan lahat, ‘yong mga karapatan namin bilangindigenous people, at dito rin natutunan kung paano pa namin mas paunlarin ‘yong lupang ninuno namin, or ‘yong agrikultura. So diba sabi nila ‘yong Pilipinas mayaman ang agriculture, tapos, kung hindi natin payamanin ‘yong paggamit ng organic fertilizer, hindi maging maganda ‘yong kalagayan ng lupa. ‘Yong inorganic fertilizer ‘yong ginagamit, so gano’n.”
Kuwento ni Lina*, “Dito sa UP marami kaming natagumpayandahil dito rin ako nag-graduate no’ng Grade 10 ako, sa UPIS. Kasi ang UP, parang walang pinipili. Palagi siyang bukas. Gano’n, bukas siya mga kahit kanino, kahit sino, gano’n. At ‘yong UP rin ay nagbigay sa amin. Lumisan din kami sa amingkomunidad na malayo sa aming mga magulang, malayo saaming komunidad. Siyempre malaking adjustment ‘yon kasi ‘yong nakasanayan namin sa komunidad namin ay...kaiba dito. Iba sa Kamaynilaan. Kaya malaking adjustment ‘yong ginawa namin.”
Ngayon, alam na natin ang saloobin ng mga Lumadnon, patuloynating palakasin ang kanilang mga boses upang ang kanilangkarapatan ay kanilang makamit.
* Ang mga alyas na ginamit sa akdang ito ay hindi totoongpangalan ng mga lumikha ng sining.
Comments