top of page

Pagbati! Padayon Tungo Sa Marami Pang Tagumpay

  • Len Ruel
  • Jul 30, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 29, 2022


ree

Sa mga mata ng karaniwang tao, maaaring ito ay isang simpleng pagtatapos na may magmamartsang taas-noo patungo sa entablado.


ree

Maaaring sa iba, ito ay isang programa lamang na kung saan ay gagawaran ang mga estudyante ng diploma na sila’y nakapagtapos.


ree

At para sa ilan, ito ay isang payak na pagkakataong magpasalamat sa mga taong tumulong, sumuporta, at humubog sa kanila sa kabuoan ng kanilang paglalakbay sa buhay-estudyante.


ree

Ngunit, hindi ko tanaw ang inyong pagtatapos sa mata ng karaniwang tao.


ree

Buhat ang inyong kultura at tradisyon, ang pagmartsa niyo'y ipinagmalaki ang lakas at tibay ng inyong loob.


ree

Ang mga diploma na inyong tinanggap ay tanda ng inyong pagwawagi laban sa sistematikong paniniil na inyong dinadanas.



ree

Sa huli, ang inyong pagtatapos ay naging isa sa mga iilang pagkakataon ninyong pabaunan kami ng matinding hamong matuto, umalam, at tumulong sa pagbabago.


ree

Saksi ako sa pagtindig niyo laban sa pang-aapi gayundin sa pagsisimula ng pakikibakang itataguyod ang kapakanan ng inyong komunidad — at ng bayan.



ree

Kahit sa malayong dako, nais ko rin kayong batiin at pabaunan.



ree

Una, hiling ko'y sana hindi pa ito ang huling pagkakataon na makita ko kayong nagwawagi; at pangalawa, sabay natin ipagdiwang ang tagumpay na ating pang makakamit.



ree

Ngunit hangga’t hindi pa tayo nagkikita muli, asahan niyong kasama niyo ako sa labang ito.



ree

Hindi man ako kagaya niyo, sana’y malaman niyong kaisa niyo ako.


ree

Muli, pagbati! Padayon tungo sa marami pang tagumpay!


Photos by: Rose and Pitik ni Ka efren






Comments


stand with us
bottom of page